Sunday, March 27, 2011

Bitaw


Sinag ng araw na tumapat sa kanyang mga mata,
hangin na humampas sa kanyang pisngi
haharapin nanaman ang bagong umaga
na tila ay nakakasawa.

Isa nanamang mapait na panaginip ang natakasan
Huminga ng malalim sa pagpawi ng kaba
Naalalang wala namang pinagkaiba sa realidad
Napailing na lang sa pagkadismaya

Pipilitin na muling ngumiti
Kahit hindi naman talaga natutuwa
Maitago lang ang nararamdaman
Na isinisigaw na ng puso’t isipan

Ano nga ba ang silbi?
Kundi ang maging alipin sa lipunan
Kundi ang abusuhin ang sarili
Walang ibang magawa kundi ang masaktan

“Wala ba talagang nakakahalata?”
Araw-araw na lang tinatanong sa sarili
ang pighating kanyang sinisikmura
ang pasan na kanyang dinadala.

Mas mabuti na lang kaya na manahimik
Mas mabuti na lang kaya na angkinin ito
Dahil kahit marami ang makakarinig,
Wala rin namang makakaintindi

Paano nga ba makakatakas?
Iyon lang naman ang inaasam-asam
Ang ibaon sa limot ang lahat
Walang iba pang makakalam

Sa wakas ay titigil na rin
Sa wakas ay ganap nang mapapawi
Ang mga luhang kanyang inialay
Ang tila walang hanggang pighati

Pipinturahan ang lahat ng pula
At muling malalasap ang kasiyahan
Gamit ang makintab na lanseta
Ang ginhawa ay muling matitikman

Pumatak ang luha mula sa kanyang mata
At sa huling alab ng kanyang puso,
Ngiti ang makikita sa kanyang mukha
“Hanggang sa muli! Malupit na mundo...”