April 29, 2010 11:00 am, ikinasal ang dalawang mag-irog sa Westminster Abby. Royal Wedding. tinatayang 1,900 ang guests at milyon-milyon ang nanood mula sa iba-t ibang sulok ng mundo.ang bongga lang e. isang real life fairy tale ika nga. dahil simpleng babae lang si Kate Middleton at na-inlove sa kanya si Prince William. dream come true para sa karamihan. nakakatuwa. natutuwa ako para sa kanilang dalawa. hindi ko man nasusubaybayan ng parang teleserye ang love life nila, mukha namang sa tagal ng kanilang magkasama, napatunayan nilang mahal nila ang isa't-isa. super proud ang mga Briton.
marami talaga ang tumutok. sa twitter pa lang e. medyo nagsisi nga ako nafina-follow ko ang E! News. every 3 minutes kasi may tweet sila. parang bawat galaw ibinabalita nila sa lipunan, which is not bad naman. trabaho nila yun kaya wala akong magagawa. hindi naman ako galit. at syempre halo-halo ang mga reaksyon ng mga tao sa twitter;
simpleng masaya para sa kanila,
mga as usual na pagpapatawa na kunyari e may koneksiyon sila sa wedding,
nauna nang i-celebrate ang reception,
gumagawa pa ng issue,
at mga nakaka-isip ng mga solid na ideya
as usual, nag-mistulang fashion show ang event. in fairness naman sa kanila, havey na havey ang mga guests. kakaiba nga e kasi parang nakasulat sa invitation na magsuot ng mga magagarbong hats ang mga bisita.
feeling ko lang, maliban sa mismong kasal. mas inaabangan ng mga tao si Kate at yung damit na susuotin niya. isang linggo atang hinahunting at hinuhulaan mga fashionista ang magiging outfit nya. gaya ng kanyang eleganteng fashion sense, elegante din ang kanyang dating. nagmukha siyang diyosa dahil maliban sa ganda ng kanyang ayos at postura, dumagdag sa kanyang appeal ang pagiging masaya at in-love niya. nakangiti lang siya magdamag. hehe
wala akong negative comments na maibibigay..masaya sila at iyon ang importante. isang historical na pangyayari, kahit wala naman akong koneksyon, proud pa rin ako sa sarili ko dahil nasaksihan ko ito ng kahit papaano. best wishes para sa mag-asawa! sana ay tumagal ang inyong pagsasama. magkasama habang buhay dahil sa pag-ibig na tunay. hehe may rhyme.
party hard na daw sabi ni Queen Elizabeth!