at eto na nga ang recipe..
Mga Kakailanganin:
- 1 bote ng San Miguel Gin. (Gin Bulag o kaya Bilog in tindahan terms)
- 1 litro pack ng Melon Juice.
- 1 pack ng 3 in 1 Coffee Mix (kahit anong brand. basta 3 in 1)
- tubig
- yelo
Pamamaraan:
- itimpla ang melon juice sa isang pitsel ng tubig. tantsahin ang lasa, hindi dapat matabang o strong ang lasa ng juice. tama lang.
- ihalo ang kalahating bote ng gin sa tinitimplang juice
- itimpla ang kape sa kalahating gin na natira sa bote. oo sa bote mismo ititimpla ang kape. para less hugasin na rin.
- eto ang tricky part. dahan-dahang ibuhos ang timpladong kape at gin sa juice. pagkatapos na pagkatapos maubos ng kape ay sindihan ng lighter ang rim ng bote. at pag pumasok ang apoy sa bote, itutok ito sa juice. ang dapat na mangyayari ay mahihigop ng bote ang juice at magkakaroon ng kaunting bubbles. para saan ito? kung ikaw ay umiinom baka pamilyar ka sa gawain na bago inumin ang alak, magtatapon ka muna ng kaunti nito. espirito, demonyo, something alay, etc. at doon na nga pumapasok ang apoy effect sa loob ng bote.
- iserve ng may yelo.
ito ay garantisadong masarap! at hindi nakakalasing. depende na lang kung nakarami ka talaga.
dali, ayain na ang barkada at bumili ka na sa may tindahan sa kanto!