Sunday, January 8, 2012

Bago.

it's time.
oras na para magmove on. move forward.
ang cliche nga ng fact na ang bagong taon aymay kasamang pagbabago. sa katunayan nga, nang ako ay nasa high school pa, palagi kong sinusulat sa aming mga Formal Theme/Sulating Pangwakas na hindi kailangan ng bagong taon upang magbago. pero wala naman ding masama kung gagawin natin ito.
siguro ang pagbabago ng taon na nga ang factor na kailangan na magpupush sa pagababago, syempre kasama na rin dyan ang willingness to change.
gusto ko nang iwan ang mga masasamang alaala ng 2011. mga naging problema, hinanakit at bad feelings. wala naman kasi akong maisip na magandang dahilan para baunin ko pa ang mga ito sa 2012. nangyari na ang mga nangyari. ginusto man ito o hindi, nakasakit man ng damdamin, nangyari na. wala na tayong magagawa doon. mas makakabuting matuto na lang sa ating mga karanasan.
ang bagong taon para sa akin ay nagdudulot ng bagong pag-asa. "another chance to make things right" ika nga sa aking Facebook status. ngayong taon, gusto ko lang magpakasaya. gumawa ng awesome memories, atbp. ayoko nang maging malungkot at magpakalugmok. wala naman akong mararating sa pagiging sad ko e. nakakabawas pa ng ganda yun. haha!

let's have and adventure this 2012. hamekamewave!