sa TV 5 News ko unang narinig ang balitang may mga grupo ng tao na nagsasabing gugunaw na daw ang mundo sa May 21. natawa lang ako.. hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ideya. pero in fairness kumalat agad ito sa buong mundo. tinext siguro sila ni Jesus; "Oi tsong sa May 21 daw gugunaw ang mundo sabi ni erpats" minarkahan na din siguro nila ang kanilang mga kalendaryo at nag-file ng leave of absence sa kani-kanilang mga trabaho. mahusay. imposible naman yatang malaman ang exact date ng apocalypse dahil (1) ikaw ba si lord? at (2) magkakaiba ang mga timezone. may 21 na dito may 20 pa lang sa kabilang part ng mundo.
pero naniniwala ako na meron nga na "End of the World", hindi lang ako sure kung kailan. pero sana wala na ako kapag nangyari nga yun. o kaya ay malaman ko kung kailan man lang ang month or year para may oras ako na makapag-reflect at magawa ko na ang lahat. hehe
oras na para mag-repent.
No comments:
Post a Comment