nung nakaraang linggo, 3:00 ng umaga, kaming lahat ay nagkaroon ng assembly sa UST at nagtungo sa NAIA para sa aming Cebu-Bohol Tour. bangag pa nga ako e dahil wala pa akong matinong tulog. mula 7 am ay gising na ako. hindi naman ako excited.
Day 1
medyo may kapangitan ang karanasan ko sa eroplano habang nag-lalanding ito. sumakit ng bongga ang mga tenga ko at kahit may nginunguya na kami ay wala pa rin itong bisa. pamatay lang e!
pagkadating namin sa Cebu ay nagtungo kami agad sa Sinugba Restaurant upang mag-almusal. pagkatapos ay nagpunta na kami sa Radisson Blu upang umattend ng seminar. lahat kami ay inantok at ang karamihan sa aking mga kasama ay nakatulog sa table. hindi naman sa boring ang seminar, pagod lang talaga kami. pagkatapos ng seminar ay lumibot kami sa hotel. maganda ang Radisson Blu. susyal ang mga facilities. pang-5 star ang quality. pero the least is what i can say about the food. hindi kami nasatisfy sa lasa nya. andami tuloy tirang pagkain sa aming plato. sinabi rin iyon ng manager ng travel agency, si Sir Kiel, na hindi talaga ganon kasarap ang pagkain lalo na pag hotel food. at wag raw kaming mag-alala dahil pag dating namin sa bohol ay kakain ulit kami. yung masarap na.
pagkatapos ng lunch ay nagpunta agad kami sa pier upang sumakay ng Super Cat patungong Bohol. habang nakasakay ay nakatulog kaming lahat pero sandali lang. at sawakas ay nakarating na kami ng Bohol. dimiretso kami sa Bohol Bee Farm upang kumain ng merienda na organic. may salad na gawa sa bulaklak at ang mga dressing at spread ay gawa sa iba't-ibang gulay na tanim nila doon. nagtitinda pa nga sila ng Ginger ice cream pero hindi ko na natikman. ayon sa mga kaklase ko ang anghang daw.pagkatapos ay bumili na kami ng iba't-ibang products nila tulad ng mga honey, tinapay, at kung anong mga anik-anik.
nagtungo na kami sa Hotel na aming tutuluyan, ang Alona Kew sa may isla ng Panglao. at bago pa kami nag-check-in ay umattend muna kami ng isang seminar kung saan ang may-ari ang speaker. isang Tomasino. pagkatapos ay agad kaming dumiretso sa aming kwarto (na may bathtub!) at nagbihis at nag-prepare para sa dinner at pageant night/class presentation night. ako kasi ang isinaling contestant ng aming klase. labag sa aking kalooban. hindi na nga ako nakapag-dinner dahil sa pag-bebrainstorm ng mga sagot sa Q&A sa dinner lang kasi binigay sa amin ang mga tanong :|
para sa akin, fail ang talent ko. dahil wala naman talaga akong talent. marunong akong mag-gitara pero hindi ako magaling. at paos pa ang boses ko dahil sa ubo at sipon. kaya ayun. hindi na ako umasang mananalo. pero masaya pa rin ako dahil sa mga bago kong kaibigan. ang aking mga fellow contestants.
pagkatapos ng lahat kami ay tumungo na sa aming mga kwarto. sabi ng partner ko na contestant, si Mico, pumunta raw kami kena Sir Kiel at magpapakain daw sya dahil nga sa hindi kami nakakain ng dinner. dinala namin ang lahat ng pagkain sa kwarto nina Mico at nagsalu-salo ang buong section namin. hahaha. pero natapos din agad dahil sa aming propesor na nagchecheck ng rooms.
paunang tikim pa lang ang unang araw ng Cebu at Bohol pero marami na ang kaganapan. itutuloy ko ang kwento sa Part 2!
Grabe Jill, super tagalog naman :))-jerrimaine
ReplyDeletehahaha ganon talaga Jerrimaine. minamahal ko lang naman ang sarili kong wika :))
ReplyDelete