kami ay nag tanim ng mga mangrove seeds at naghakot ng kalat sa dalampasigan. madali lang palang itanim ang mga seeds. mukha itong mahahabang Baguio beans at ang gagawin lang ay isasaksak ito sa buhangin ng malalim para hindi ito anurin. bagamat walang nagsiswimming sa lugar na iyon, marami pa ring basura ang makikita. sabi nila baka inanod daw ito mula sa ibang dagat.(malapit lang din kasi ito sa Laiya. sikat sa Batangas dahil sa mga beach resort). karamihan ay ang mga lambat na nakapulupot sa mga mangrove, mga sapatos, tsinelas, plastic, diapers, bag, meron pa nga kaming nakuhang bra at yung iba, may nakuha raw na condom. nakaka-facepalm lang dahil samut-saring basura ang tinatapon ng mga tao.
nakakapagod man. nakakatuwa pa rin dahil kahit sa maliit na pagtanim at paglinis ng kalat, alam nating makakatulong ito sa mother earth. ako ay isang nature lover. hangga't maari hinihimok ko ang mga pamilya't kaibigan ko na maging eco-friendly. para sa akin, mahusay na naisip ito ng seksyong 3T2. kakaiba na, nakakatulong pa. sana maging ganito rin ang event namin balang araw. yung may nagagawa para sa ikabubuti ng lahat.
eto ang mga kuha kong litrato...
sa bumabasa nito, inaanyayahan kitang maging eco-friendly at tumulong para sa ating mundo. hindi naman ito mahirap gawin dahil kahit sa simpleng bagay na pagtatapon lang ng basura sa tamang lagayan ay okay na. leggo!