hindi ako mahilig sa mga romantic movies. oo nanonood naman ako pero mas prefer ko ang sci-fi or thriller. for me kasi, it gives unrealistic expectations on love and i think it's kind of cheesy. dont get me wrong, im a hopeless romantic kind of girl pero hindi ko talaga nahiligan ang mga ganon. kasi parang tuwing pagkatapos ng movie, you'll feel bad about yourself dahil single ka o kaya naman mag-eexpect ka na sa partner mo. in a way, it gives you false hope.
lalo na ang mga romantikong pelikula dito sa Pinas. almost the same plot ang lahat. boy meets girl. hindi muna magkakasundo. unti-unting mahuhulog sa isat-isa. magiging sila. insert problem here. mag-aaway. sa huli, they'll live happily ever after! kaya pag Filipino movies, mas gusto ko ang indie. mas may substance. makikita ang skills ng actor at director. mas may sense at mas intellectual. mukang snobbish, nagmamatalino o kaya ay pakitang tao ang datingan ko ngayon. hindi ko naman sinasabi na pinoy indie movies lang ang pinapanood ko. ang sinasabi ko, mas maganda ang indie films. mas magandang doon sayangin ang oras ng panonood.
siguro hindi rin kasi ako lumaki na mga ganon ang pinapanood. ang pamilya at mga kaibigan ko hindi rin naman din kasi mahilig sa mga pelikulang romantiko. kapag nanonood kaming magtotropa, madalas horror, commedy o sci-fi. gusto naming yung mga pelikulang nakaka-mindfuck.oo unrealistic din ang mga yan. pero kasi sa mga movies na iyan, nagkakaroon ka ng sense of wonder at excitement. minsan ay mga realizations pa nga and what not. hindi naman ako bitter. naniniwala naman akong may mga magaganda ngang romantic movies. hindi ko lang talaga trip na panoorin, lalo na kung sa sinehan pa.
(pasensya na sa konyo/taglish mode. i'll work on it)
No comments:
Post a Comment