Pero hanggang kailan? Ilang araw, linggo o buwan? Wala naman tayong masisising iba kundi ang ating mga sarili. Ayaw kasi nating tanggapin na natapos na at nangyari na ang mga kaganapan. Nakalipas na ang mga pagkakataon. Bakit hindi tayo magsimula ulit. Magpakasaya sa maraming bagay na mahusay. Nasasayang lang ang oras natin sa kalungkutan. Kahit na may mga taong handang makinig sa atin, eventually nagasasawa rin sila sa paulit-ulit na mga kwento at problemang tilang hindi ginagawan ng solusyon. Oo wala namang masama na damdamin ang mga sitwasyon. Nakakairita lang kung paulit-ulit na. Kung hindi ka pa rin nakaka- move on ikaw na ang may problema at hindi na sila.
At hindi ko lang tinutukoy ang mga taong nasawi sa pag-ibig kundi lahat ng taong napapakalugmok sa mga kaganapan sa kanilang buhay. May mga sitwasyon talaga kung saan wala na tayong magagawa kundi matuto doon pero sinasayang pa rin natin ang oras natin sa paulit-ulit na replay ng mga pangyayari at patuloy na tinotorture ang sarili.
Bakit di na lang tayo magpakasaya?
Bakit di na lang tayo magpakasaya?
No comments:
Post a Comment