Thursday, March 29, 2012

Overrated: Magnum Ice Cream

     since the release of Magnum Ice Cream in the Philippines, a lot of people have been raving about it in Facebook, Twitter and other social medias posting pictures, statuses and what not. I have been a witness to people who have been both excited and boastful about their experiences to this supposedly magnificent ice cream. I haven't tried one since today..


     crisp Belgian chocolate coated chocolate truffle. it was pretty good. mostly because of the Belgian chocolate. other than that I guess it was like any other chocolate ice cream. I do like it but I didnt really find anything utterly amazing about it. I guess the people of the internet just made a big spectacle out of it which I guess would be a good marketing/promotion strategy for the product. free advertising! 
     I've also heard a lot of backlash about it being the "poor man's Haagen Dazs" personally I've never tasted it so I really have no opinion on that. And the much debated "social climber's ice cream". I guess some people have the notion that when you buy something imported or high priced it would make you "sosyal" which is kind of pathetic. I also saw this picture on Facebook of  a girl who posted a picture of herself eating Magnum Ice cream and then flaunting the wrapper and the stick and a lot of hate comments here and there. poor girl. I bet she was just excited, but the good this is that she's popular now so yeah. whatever. 


     like the Starbucks hype, I think this "Magnumania" will soon be over in a few weeks. although it was pretty good I think I would not buy one anytime soon. I wasn't really impressed by it. I am curious to try other flavors like the Double Caramel and Magnum White. It's just not available here in the country though. so to wrap it all up, I would refer this ice cream for those who haven't tried it yet to see for themselves what this glorified dessert is all about. but if you're one not willing to spend 50 pesos on ice cream, then probably just buy a 20 peso Cornetto instead. 

Saturday, March 24, 2012

Sawakas! Bakasyon na!

"so long to the sleepless nights and stressful days
of demanding school works that come in play..."

natapos nanaman ang isang school year. tapos na ang sophomore stage ng aking college life.
tila kay tagal dumating ng bakasyon. katapusan pa lang kasi ng sem break ay handang-handa na ako sa summer vacation. 

wala pa akong mga solid na plano ngayong Abril at Mayo. marami akong gustong puntahan at gawin kaso andyan ang problema ng shortage ng pera. wala nang baon e. hindi ko naman gawain ang kumupit. kaya andyan din ang option na magkaroon ng summer job. kaso ano naman kaya? 

isa ang panigurado, makakalimutan ko ang petsa at andyan ang mga "lazy days" kung saan mapupunta sa panonood ng tv, pag-computer at pagtambay sa bahay ang aking gagawin. what's new?

basta masaya ako dahil baksyon na. hehe.

Thursday, March 8, 2012

Self-Inflicted

Hindi natin narerealize, tayo rin mismo ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Masyado kasi nating pinipilit ang mga bagay na hindi naman nararapat. Masyado tayong umaasa sa taong hindi naman para sa atin. Madalas ay nagpapakabulag tayo dahil alam natin na masakit ang katotohanan. Gumagawa tayo ng mga spekulasyon at tamang hinala o mga defense mechanism, na sa huli, nagbabackfire din naman sa atin. Nilulugmok natin ang sarili natin. Bakit hindi na lang tayo tumayo at mag-walk away? Siguro gusto lang nating makuha ang simpatya ng iba at ang assurance na may mga taong namamahal sa atin kahit tayo ay nagkamali.

Pero hanggang kailan? Ilang araw, linggo o buwan?  Wala naman tayong masisising iba kundi ang ating mga sarili. Ayaw kasi nating tanggapin na natapos na at nangyari na ang mga kaganapan. Nakalipas na ang mga pagkakataon. Bakit hindi tayo magsimula ulit. Magpakasaya sa maraming bagay na mahusay. Nasasayang lang ang oras natin sa kalungkutan. Kahit na may mga taong handang makinig sa atin, eventually nagasasawa rin sila sa paulit-ulit na mga kwento at problemang tilang hindi ginagawan ng solusyon. Oo wala namang masama na damdamin ang mga sitwasyon. Nakakairita lang kung paulit-ulit na. Kung hindi ka pa rin nakaka- move on ikaw na ang may problema at hindi na sila. 

At hindi ko lang tinutukoy ang mga taong nasawi sa pag-ibig kundi lahat ng taong napapakalugmok sa mga kaganapan sa kanilang buhay. May mga sitwasyon talaga kung saan wala na tayong magagawa kundi matuto doon pero sinasayang pa rin natin ang oras natin sa paulit-ulit na replay ng mga pangyayari at patuloy na tinotorture ang sarili.

Bakit di na lang tayo magpakasaya? 

Thursday, February 23, 2012

AHON: Standout for Nature

     noong ika-20 ng Pebrero nagkaroon ng pre-event ang seksyong 3T2 (3rd year class ng isang section sa Tourism  course). nagpunta kami sa Barangay Imelda San Juan, Batangas. unang beses magkaroon ng pre-event sa labas ng aming kolehiyo. libre lang ito para sa lahat ng sasama sa kanilang event. pero syempre kanya-kanya ang pagkain. ang tema ng kanilang event ay AHON: A Hope in Restoring the Disappearing Philippine Natural Tourism Destination. 
     kami ay nag tanim ng mga mangrove seeds at naghakot ng kalat sa dalampasigan. madali lang palang itanim ang mga seeds. mukha itong mahahabang Baguio beans at ang gagawin lang ay isasaksak ito sa buhangin ng malalim para hindi ito anurin. bagamat walang nagsiswimming sa lugar na iyon, marami pa ring basura ang makikita. sabi nila baka inanod daw ito mula sa ibang dagat.(malapit lang din kasi ito sa Laiya. sikat sa Batangas dahil sa mga beach resort). karamihan ay ang mga lambat na nakapulupot sa mga mangrove, mga sapatos, tsinelas, plastic, diapers, bag, meron pa nga kaming nakuhang bra at yung iba, may nakuha raw na condom. nakaka-facepalm lang dahil samut-saring basura ang tinatapon ng mga tao.
      nakakapagod man. nakakatuwa pa rin dahil kahit sa maliit na pagtanim at paglinis ng kalat, alam nating makakatulong ito sa mother earth. ako ay isang nature lover. hangga't maari hinihimok ko ang mga pamilya't kaibigan ko na maging eco-friendly. para sa akin, mahusay na naisip ito ng seksyong 3T2. kakaiba na, nakakatulong pa. sana maging ganito rin ang event namin balang araw. yung may nagagawa para sa ikabubuti ng lahat.
      eto ang mga kuha kong litrato...




sa bumabasa nito, inaanyayahan kitang maging eco-friendly at tumulong para sa ating mundo. hindi naman ito mahirap gawin dahil kahit sa simpleng bagay na pagtatapon lang ng basura sa tamang lagayan ay okay na. leggo!



Saturday, February 18, 2012

Ang Trip Kong Panoorin.

     hindi ako mahilig sa mga romantic movies. oo nanonood naman ako pero mas prefer ko ang sci-fi or thriller. for me kasi, it gives unrealistic expectations on love and i think it's kind of cheesy. dont get me wrong, im a hopeless romantic kind of girl pero hindi ko talaga nahiligan ang mga ganon. kasi parang tuwing pagkatapos ng movie, you'll feel bad about yourself dahil single ka o kaya naman mag-eexpect ka na sa partner mo. in a way, it gives you false hope.
      lalo na ang mga romantikong pelikula dito sa Pinas. almost the same plot ang lahat. boy meets girl. hindi muna magkakasundo. unti-unting mahuhulog sa isat-isa. magiging sila. insert problem here. mag-aaway. sa huli, they'll live happily ever after! kaya pag Filipino movies, mas gusto ko ang indie. mas may substance. makikita ang skills ng actor at director. mas may sense at mas intellectual. mukang snobbish, nagmamatalino o kaya ay pakitang tao ang datingan ko ngayon. hindi ko naman sinasabi na pinoy indie movies lang ang pinapanood ko. ang sinasabi ko, mas maganda ang indie films. mas magandang doon sayangin ang oras ng panonood.
       siguro hindi rin kasi ako lumaki na mga ganon ang pinapanood. ang pamilya at mga kaibigan ko hindi rin naman din kasi mahilig sa mga pelikulang romantiko. kapag nanonood kaming magtotropa, madalas horror, commedy o sci-fi. gusto naming yung mga pelikulang nakaka-mindfuck.oo unrealistic din ang mga yan. pero kasi sa mga movies na iyan, nagkakaroon ka ng sense of wonder at excitement. minsan ay mga realizations pa nga and what not. hindi naman ako bitter. naniniwala naman akong may mga magaganda ngang romantic movies. hindi ko lang talaga trip na panoorin, lalo na kung sa sinehan pa.

(pasensya na sa konyo/taglish mode. i'll work on it)

Sunday, January 8, 2012

Bago.

it's time.
oras na para magmove on. move forward.
ang cliche nga ng fact na ang bagong taon aymay kasamang pagbabago. sa katunayan nga, nang ako ay nasa high school pa, palagi kong sinusulat sa aming mga Formal Theme/Sulating Pangwakas na hindi kailangan ng bagong taon upang magbago. pero wala naman ding masama kung gagawin natin ito.
siguro ang pagbabago ng taon na nga ang factor na kailangan na magpupush sa pagababago, syempre kasama na rin dyan ang willingness to change.
gusto ko nang iwan ang mga masasamang alaala ng 2011. mga naging problema, hinanakit at bad feelings. wala naman kasi akong maisip na magandang dahilan para baunin ko pa ang mga ito sa 2012. nangyari na ang mga nangyari. ginusto man ito o hindi, nakasakit man ng damdamin, nangyari na. wala na tayong magagawa doon. mas makakabuting matuto na lang sa ating mga karanasan.
ang bagong taon para sa akin ay nagdudulot ng bagong pag-asa. "another chance to make things right" ika nga sa aking Facebook status. ngayong taon, gusto ko lang magpakasaya. gumawa ng awesome memories, atbp. ayoko nang maging malungkot at magpakalugmok. wala naman akong mararating sa pagiging sad ko e. nakakabawas pa ng ganda yun. haha!

let's have and adventure this 2012. hamekamewave!