Sunday, October 9, 2011

"Kaya ka biniyayaan ng kagandahan, para ingatan mo, hindi para manlait ng ibang tao"

bakit nga ba tayo nanlalait ng ibang tao?

mas pinipili nating tingnan ang mga bagay na hindi maganda sa kanila. siguro isang sign iyon ng insecurity o kaya ay inggit. nilalait ang isa para gumaan ang loob tungkol sa kakulangan sa sarili. siguro likas na talaga sa atin ang mamintas. maging ako man ay ganon. 

"ang ganda nya pero ganito..gwapo sana kaso ano.. "

ang tindi lang kapag ang nanlait ay hindi rin naman kagwapuhan o kagandahan. at kung ang mga panlalait pa ay genuine. walang halong biro kung baga. yung tipong ang objective ay para manakit na. kung sa biro nga natatamaan ka na, pano pa kaya kung seryoso talaga. 

hindi naman ako nagmamalinis. ako rin ay namimintas at nanlalait. aaminin ko, nakakatuwa sya lalo na pag kasama pa ang tropa. pero as much as possible, pinipigilan ko ang sarili ko. sa isip ko na lang sinasabi. dahil kung i-vovoice out ko pa. wala rin namang mangyayari. hindi naman mag-eenhance ang qualities ng taong nilait ko. at tsaka, hindi rin naman ako perpekto. ano ba naman ang karapatan kong manghusga ng iba. lalo na pag hindi ko sila kilala.

ang moral lesson: tumingin ka muna ng maigi sa salamin. wag masyadong mabilis sa panghuhusga, panlalait, o pamimintas sa kapwa. dahil kung ikaw ang pinaulanan ng masasakit na salita, baka ikaw rin ang manghina. 

a friendly reminder from Jill :D

No comments:

Post a Comment